NEW YORK – Ang isang Disaster Recovery Center ay lumilipat sa isang bagong lokasyon. Ang isa pang center ay winawakasan ang serbisyo nito.
Ang center sa Lindenhurst Memorial Library, 1 Lee Avenue sa Lindenhurst, NY,11757, ay maghihinto ng serbisyo sa lokasyong iyon sa alas-3 ng hapon, Sabado, Peb. 23, at muling magbubukas sa alas-9 ng umaga, Martes, Peb. 26, 2013 sa Copiague Memorial Public Library, 50 Deauville Blvd., Copiague, NY, 11726.
Ang mga oras sa center ay alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes at alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa Sabado.
Ang recovery center sa storefront ng 001 Beach 20th St., Far Rockaway, Queens, NY,11691, ay maghihinto ng serbisyo sa alas 3 ng hapon, Sabado, Peb. 23, 2013.
Ang Estado ng New York at ang Federal Emergency Management Agency ay masusing nagmo-monitor sa trapiko ng bisita sa lahat ng mga recovery center ng New York. Ang trapiko sa dalawang center ay humina, na nagpapahiwatig na ang pangangailangang pang-impormasyon ng mga survivor sa mga lugar na iyon ay natugunan na ang karamihan. Hanggang ngayon, nagkaroon na ng higit sa 14,000 mga pagbisita sa dalawang center.
Ang mga survivor na nangangailangan ng tulong ay maaari pa ring dumalaw sa alinman sa iba pang mga center na nananatiling bukas sa buong New York, sa alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes at alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa Sabado.
Upang mahanap ang pinakamalapit na center, available ang sumusunod na mga opsyon:
- I-text ang DRC at isang Zip Code sa 43362 (4FEMA), at ang isang text message ay isasagot kasama ang address.
Isang disaster recovery center ang lumilipat at ang isa pa ay humihinto sa operasyon – pahina 2
Ang mga indibidwal ay makakahanap din ng isang recovery center – at makapagpaparehistro para sa tulong ng FEMA – online sa www.DisasterAssistance.gov o sa pamamagitan ng smartphone o tablet sa pamamagitan ng pagpunta sa m.fema.gov o sa pamamagitan ng pag-download sa FEMA app.
Ang mga survivor na may mga tanong o gustong magparehistro sa FEMA ay maaari ring tumawag sa 800-621-3362 (Voice, 7-1-1/Relay) o (TTY) 800-462-7585. Matatawagan ang mga numero ng telepono na toll free sa alas-7 ng umaga hanggang ala-1 ng umaga, EST, pitong araw kada linggo hanggang sa karagdagang abiso.
Ang mga survivor ng Hurricane Sandy sa New York ay may hanggang Peb. 27, 2013, upang magparehistro para sa tulong ng pederal sa sakuna, na maaaring kabibilangan ng pera para sa upa, mahalagang mga pagkumpuni sa bahay, mga nawalang personal na ari-arian at iba pang matinding pangangailangan kaugnay ng sakuna na hindi nasasaklawan ng insurance.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa disaster recovery ng New York, bumisita sa www.fema.gov/SandyNY, www.twitter.com/FEMASandy, www.facebook.com/FEMASandy at www.fema.gov/blog.
###
Ang misyon ng FEMA ay upang tulungan ang ating mga mamamayan at ang unang mga rumiresponde na tiyakin na bilang iisang bansa, tayo ay nagtutulungan upang itayo, panatilihin, at paghusayin ang ating kakayahan upang maghanda sa, poprotekta laban sa, rumesponde sa, makarekober mula sa, at mapababaan ang lahat ng panganib.
Ang tulong sa pagrekober sa sakuna ay makukuha ano man ang lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kahusayan sa Ingles o sitwasyon sa kabuhayan. Kung ikaw o isang tao na kilala mo ay na-discriminate, tumawag sa FEMA toll-free sa 800-621-FEMA (3362). Para sa TTY tumawag sa 800-462-7585.